ccute-couples:

everything love♥ (source)

ccute-couples:

everything love♥ (source)

Pain demands to be felt

Dear Tumblr,

Apektadong apektado pa din ako at nasasaktan. Wala ako sa wisyo para gumawa ng mga dapat gawin. Hindi ko alam kung saan hahantong ito. Hindi ko rin alam kung may pupuntahan pa ba ang relasyon na ‘to. Totoo ngang “pain demands to be felt”. Pero sa puntong ito, hindi lang sakit yung nararamdaman ko kundi pati mga bagay na dapat noon pa, nawala na sa akin. Bakit ganon? Parang walang nangyari kahapon? Parang pagkatapos ng lahat ng mga sinabi niya sa akin, “good morning” na ulit? Hindi ko maintindihan. Ngayon, mas naguguluhan at nasasaktan ako. Gusto ko syang kausapin, gusto ko syang makita at makasama.. Pero parang hindi ko pa kaya. Parang kailangan ko munang mag isip at mapag isa. Namimiss ko sya, oo. Pero mas nangingibabaw yung lungkot, yung mga natanggap kong mga salita, yung sakit. Gusto ko ng sumuko.. Gusto ko ng tumigil sa kung anong mayroon kami kasi paulit ulit lang. Alam kong ako ang may kasalanan. Pero may sapat akong  dahilan  kung bakit ganoon na lang ang naramdaman ko. Girlfriend ako at hindi classmate lang.. Hindi ko na alam ngayon kung saan ako lulugar. Hindi ko na alam kung ano ba yung dapat kong maramdaman. 

Read More

BESTfriend

Dear Tumblr,

Hindi ko maintindihan yung sarili ko. Nakakasakit ako at nasasaktan din ako. Nang dahil lang sa “bestfriend”, ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko na alam yung gagawin ko. Naiiyak ako kasi syempre, mahalaga din yung pinagsamahan namin ng taong yun at ayokong masira dahil lang sa simpleng bagay. Ang hirap kasi, pinipigilan kong labanan yung emosyon ko pero hindi ko kaya. Nawawala na ako sa sarili. Feeling ko walang nagpapahalaga sa akin. Araw araw, papasok ako sa eskwelahan para sa isang goal- ang matuto. Pero kapag nasa shool na ako, nawawala ang kaisa isa kong goal at napapalitan ng katahimikan at kalungkutan. Isang tao lang yung nagpapasaya sa akin, si Eurome-ang boyfriend ko. Pero dahil din sa kanya, nagbago ako. Nawala na ang dating Roshena na masayahin, madaldal, laging nakikisama sa iba, at walang ibang inisip kundi ang maging bata. Masayang masaya naman ako sa kanya. Yun nga lang, nasasaktan din ako. Pano kapag nalaman mong hindi ka best friend ng best friend mo? Masakit. Lalo na kapag yun yung taong mahal mo. Mas masakit? May iba syang best friend. Selfish? Oo, selfish nga talaga ako. Wala e. Sa kanya ko lang kasi nahanap yung love na matagal ko ng gustong magkaroon. Yung atensyon na sana dati pa ako meron. Yung care na sana nakukuha ko sa family ko. Gusto ko ng sariling akin. Yung walang iba, yung walang kahati. Alam ko masama ako kasi ganun yung nasa isip ko.. Kahit ako, kinokontrol ko yun. Pinipilit kong baguhin, pinipilit kong iwasan, pinipilit kong iwanan. Pero sa tuwing may ibang involve, lagi na lang akong nasasaktan. Laging nagagalit, iiwas, magtatampo, iiyak. Alam ko hindi naman nila ako naiintindihan kasi nga iba yung mundo nila sa mundo ko. Iba yung pamilya nila sa pamilya ko. Yung meron sila, wala ako. Kahit ako pinipilit ko din naman tanggapin kung ano yung nasa harapan ko. Kaya lang minsan parang nananadya talaga ang tadhana. Ewan ko, siguro ganito nga sa pag ibig. Laging may nasasaktan. At siguro ganito talaga sa buhay, hindi puro saya kundi may lungkot din, para maging balanse.